Mga barko ng China, lumipat lang sa ibang lugar sa Kalayaan Group of Islands — NTF WPS

Hindi pa rin inaalis ng China ang mahigit 200 nilang mga barko, na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon sa National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS), inilipat lang ng China ang bahagi ng mga barko nilang unang nasa Julian Felipe Reef, sa ibang bahagi ng karagatan.

Giit ng NTF-WPS, ang naturang mga barko ay bahagi ng Chinese Maritime Militia (CMM), na may kahina-hinalang ginagawa sa kanilang “swarming” o pagmamasa.

Base sa huling maritime patrol ng NTF-WPS noong March 29, 44 na CMM ang naka-angkla sa Julian Felipe reef, 115 ang nasa Chigua (Kennan) Reef, 45 ang nasa Pag-asa (thitu) islands, at 50 ang nakakalat sa Panganiban (Mischief), Kagitingan (Fiery), at Zamora (Subi) Reefs, na bahagi ng Kalayaan Island Group.

Bukod dito, apat na People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels ang nasa Panganiban Reef.

Muling nanawagan ang NTF-WPS sa China, na alisin sa EEZ ng Pilipinas ang kanilang Chinese Maritime Militia, dahil bukod sa paglabag sa mga karapatan ng Pilipinas ang pag-masa ng maraming barko sa bahagi ng karagatan, ay panganib sa nabigasyon at posibleng nakakasira sa kalikasan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.