Mga basura ng South Korea sa Pinas, naibalik na

Pinapurihan ng Department of Environment and Natural Resources ang Collection District 10 ng Bureau of Custom dahil sa matagumpay na pagpapabalik ng may 6,400 metric tons ng pinaghalong basura na stranded sa lalawigan ng Misamis Oriental, sa pinagmulan nito sa South Korea.

Ayon kay DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda, karapat-dapat lang na bigyan ng kredito ang BOC-10 sa mabilis na pag-aksyon nito mula sa pagkakatuklas sa garbage shipment noong 2018 hanggang sa pagbabalik nito sa South Korea sa loob lang ng dalawang taon.

Sinabi ni Antiporda na dahil sa matagumpay na pagkakabalik ng garbage shipment sa South Korea, nailayo ang mga Filipino sa panganib sa kalusugan at kapaligiran na dulot ng smuggled waste.

Nagpalabas ng pahayag si Antiporda matapos makatanggap ng memo mula kay BOC-10 District Collector John Simon makaraang kumpirmahin na nakumpleto na ang proseso ng pagbabalik sa Korea ng basura nitong nakalipas na Agosto 4.

Iniulat din ni Simon na ang 4.5-hectare area kung saan ang may 5,000 metric tons na Korean garbage ay pansamantalang inilagak ay malinis na ngayon sa smuggle na basura.

Kaugnay nito, binigyan ng komendasyon ni Antiporda si Simon at ang kanyang collection district dahil sa walang pagod na pagtatrabaho para tiyakin na ang naturang basura ay maibalik sa South Korea sa kabila ng mahigpit na quarantine restriction na ipinatutupad dahil sa banta ng Covid-19.

“Despite COVID-19, the hardworking and dedicated BOC-10 district collector was able to facilitate the return of the smuggled waste and sent a message to the world that the Philippines is not a dumping ground of hazardous waste from other countries,” ani Antiporda.

Sa record ng BOC-10 makikita na ang illegal waste import ay matagumpay na naibalik sa South Korea sa six batches simula Enero 2019.

Magugunitang ang naturang garbage shipment ay nakiskubre ng opisina ni Simon sa Mindanao Container Terminal noong 2018.

Ang naturang shipment ay naka-consign sa South Korea company Verde Soko ll Industrial Corp. na nag-o-operate ng waste recycling facility sa may Phividec Industrial Estate sa Tagoloan town.

Sinabi sa ulat na tatlong Korean national sa pangunguna ng isang Chul Soo Chu alyas Charles Cho ang kinasuhan dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 6969 o ang the Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act at RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.