Mga body camera, sinimulan ng gamitin ng PNP

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng mga body camera sa kanilang mga piling operasyon.

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, ang paglulunsad ngayong umaga ng Body Worn Camera System sa Camp Crame.

Nasa 2,696 ang paunang units ng mga body camera, na ipagagamit sa 171 police stations.

Priority dito ay sa National Capital Region (NCR) at mga malalaking lungsod at bayan.

Sa 16 na camera na naka-isyu sa bawat istasyon, apat ay magagamit sa live streaming at ang iba ay para lamang sa recording ng police operation.

Ayon kay Gen. Eleazar, dahil sa COVID-19 pandemic ay 600 pa lang na personnel ang sumailalim sa training sa paggamit ng mga body camera, at ito ay madagdagan pa upang makamit ang target na 8,000 trained personnel.

Ilan sa mga priority police operation, na pag gagamitan ng body camera ay: anti-drug operations, service of warrant, hostage rescue, high risk checkpoint, pagsilbi ng court orders, at
coverage ng malalaking kaganapan tulad ng State of the Nation Address (SONA).

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.