Mga bonus at supplemental allowance ng mga pulis ngayong Pasko, tiniyak ng PNP

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na matatanggap ng mga pulis ang lahat ng kanilang mga bonus, supplemental allowances, at iba pang mga benepisyo ngayong darating na Pasko.

Ito’y kasunod ng pahayag ni PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan na hindi na magkakaroon ng Christmas party sa lahat ng unit at tanggapan ng PNP gayundin sa mga social club at sectoral organizations ng mga pulis.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Ysmael Yu, hiniling ng PNP chief ang maliit na sakripisyong ito mula sa kanilang mga tauhan bilang pagiging sensitibo sa kalagayan ng karamihan sa mga mamamayan dahil sa COVID pandemic.

Ayon kay Yu, bukod sa magarbong paghahanda, may ibang paraan para ipagpasalamat ang mga biyayang natanggap sa pagdiriwang sa piling ng Diyos, pamilya, at bansa.

Sinabi ni Col. Yu na ang pagtiyak ni Gen. Cascolan na makakatanggap ng biyaya ang lahat ng 210,000 miyembro ng PNP ay upang masiguro ang financial flexibility ng kanilang mga pamilya ngayong darating na Pasko.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.