Mga dating NPA, ikinuwento kung paano sila narecruit ng mga rebeldeng grupo noong estudyante pa sila

Ipinagpatuloy ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa diumano’y pagre-recruit ng mga makakaliwang grupo sa mga estudyanteng menor-de-edad.

watch the video here:

Ayon kay Committee Chair Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, humarap sa pagdinig kanina ang dalawang dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan.

Inilahad ng mga ito kung paano sila na-recruit sa pagiging rebelde.

Sa unang pagdinig noong nakaraang linggo, narinig ang kwento ng mga magulang ng mga estudyanteng nawawala at na-recruit ng mga leftist group.

Dito lumabas na nangyayari ang recruitment sa loob mismo ng mga unibersidad at kolehiyo.

Humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang mga dating rebelde na sumuko na sa pamahalaan.

Inilahad ng mga ito kung paano sila narecruit ng mga makakaliwang grupo noong sila ay estudyante pa lamang.

Bago magsimula ang pagdinig, nag-apruba ng isang mosyon ang komite upang mabigyan ng legislative immunity ang mga nagtestimonyang rebel returnees.

Isa sa mga ito ang isang alyas Allem, na nagkwentong 13 gulang siya nang marecruit ng grupong League of Filipino Students (LFS) sa PUP noong 2014.

Tatlong taon aniya siyang naging aktibista, bago tuluyang nagdesisyong sumali sa New People’s Army (NPA) at napunta sa Mindanao unit ng rebeldeng grupo.

April 2018, kumalas siya sa grupo, matapos makapag-asawa.

Hinikayat ni Allem ang kanyang mga dating kasamahan na pauwiin na, na hayaan na nilang makauwi sa kani-kanilang mga pamilya ang mga estudyanteng narecruit nila.

Nagkwento rin ang dating rebelde na si Nancy Dologuin, kung paano siya narecruit noong siya ay nag-aaral pa lamang sa Mindanao State University (MSU).

Pag-amin nito, nahikayat siyang sumali sa Gabriela at umalis ng kanilang tahanan, dahil sa muntik nang panggagahasa sa kanya ng isang kamag-anak.

Tatlong taon rin aniya siyang naging aktibista, at walong buwang naging miyembro ng NPA.

Sa ngayon, nagbabagong-buhay na si Dologuin at isang nang triathlete at miyembro pa ng national team.

Gayunpaman, aminado itong hirap pa rin siyang ibalik sa normal ang kanyang pamumuhay.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.