Mga Divisoria vendors, nagrally at nagmamakaawa kay Mayor Isko na payagan muli silang makapagtinda sa bangketa

“Paano kami mabubuhay, mayor?” ang daing ng mga Divisoria vendor na nagprotesta sa harap ng Manila City Hall ngayong Lunes.

watch the video here:

Nanawagan sila kay Manila Mayor Isko Moreno na payagan silang magtinda muli lalo ngayong parating na ang Christmas rush kung kailan dumadagsa ang mga mamimili.

Giit din nila: “Lehitimo po kaming taga-Maynila at hindi na namin kailangang magpabayad.”

Una nang pumayag si Moreno na magtinda ang ilang vendor sa Divisoria basta sumunod sa ilang kondisyon, ngunit nang madatnan nito ang tambak na basura sa kanyang surpresang paglilibot ay binawi niya na ang pagpayag at sinabing tatanggalin na ang lahat ng vendor sa Ylaya Street (Binondo side) dahil umano sa kapabayaan nila na panatilihing malinis ang lugar.

Ngunit sinabi ni Moreno na wala siyang balak makipag-usap sa mga nagra-rally na vendor.

“Hihintayin pa ba natin may maaksidente bago tayo kikilos? Kaya nga ‘pag binigyan sila ng pagkakataon ng lungsod ng Maynila na maghanapbuhay, sana pahalagahan na nila. Huwag na nilang sayangin ‘yung pagkakataon na ‘yun,” saad ni Moreno sa mga mamamahayag.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.