Mga guro na nanghihikayat sa mga estudyante para magrebelde laban sa pamahalaan, sasampahan ng kasong contempt ni PNP Chief Albayalde

ALBAYALDE-1

Dapat makasuhan ang mga guro ng kolehiyo at unibersidad na nagtuturo sa mga estudyanteng para lumaban sa pamahalaan.

Ito ang paniniwala ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na sinabing ang ginagawa ng mga gurong ito ay maituturing na “contempt”.

“Eh kung kasuhan kaya natin yung teachers na nag-iinstigate ng mga estudyante? Diba? They should be also charged for contempt, dahil kung anu-anong itinuturo sa mga estudyante, kung meron mang faculty members,” pahayag ni Albayalde sa kanyang press briefing.

Panoorin ang kanyang Press Briefing:

Paliwanag ng PNP Chief, pagdisrespeto sa pamahalaan na nagpapasahod sa kanila kung meron mang mga pampublikong guro na nang-impluwensya sa mga kabataan na mag-alsa laban sa pamahalaan.

Hindi naiba ito sa sitwasyon na kung saan ang isang miyembro ng PNP o AFP (Armed Forces of the Philippines) ay “bumaliktad” at pumanig sa kalaban ng pamahalaan.

Ayon sa PNP Chief, mahalagang matutunan ng mga kabataan ay ang “sense of nationalism” at pagmamahal sa bayan.

mga studyante

Hindi naman sinisi ni Albayalde ang mga mag-aaral at sinabing sadyang mapusok ang damdamin ng kabataan at madaling maimpluwensyahan ng maling impormasyon ang kanilang murang kaisipan.

Kaya nakahanda ang PNP na makipagtulungan sa mga paaralan, para sa kung ano man ang kanilang magagawa upang maituwid ang anumang maling impormasyon na nakakarating sa mga estudyante.

Facebook Comments

1 thought on “Mga guro na nanghihikayat sa mga estudyante para magrebelde laban sa pamahalaan, sasampahan ng kasong contempt ni PNP Chief Albayalde

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.