Mga inilalantad na mga tiwaling kawani at opisyal ng pamahalaan ni Pangulong Duterte, tiniyak na ipakukulong

Sisiguraduhin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lang magtatapos sa kasong administratibo ang isasampa sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan na kanyang isinapublikong dawit sa katiwalian at na-dismiss na sa serbisyo.

Ayon sa Punong Ehekutibo, kasunod ng pagkakaalis sa government service bunsod ng isinampa sa mga itong administrative case ay ang kasong kriminal naman.

Kaya bukod aniya sa pagkawala ng trabaho ng mga taga- gobyernong sabit sa iregularidad ay inihayag ng Chief Executive na makukulong pa ang mga ito.

Kamakalawa ay mga taga Bureau of Internal Revenue naman ang pinasadahan ng Pangulo sa kanyang public addresss na kung saan ay inisa – isa nito ang nga taga BIR na kung hindi man na-dismiss sa serbisyo ay pawang mga suspendido at may kinakaharap namang mga kaso.

Kaugnay nito, ipinagpauna na din ng Chief Executive na tuloy ang kanyang paglalantad ng mga tiwaling empleyado ng gobyerno sa susunod na linggo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.