Mga Jeep na maghahakot ng rallyista sa Commonwealth Avenue, huhulihin

Muling nagbabala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Major General Debold Sinas, na ipinagbabawal pa rin ang pagbiyahe ng mga tradisyunal na jeepney sa mga lansangan.

Kung may makita aniya sila sa daan, partikular sa area ng Commonwealth Avenue ay agad itong huhuliin.

Ito ay matapos na mahuli ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na rallyista na sakay ng isang jeepney, na paikot-ikot sa Quezon City Memorial Circle, kaninang 8 AM na may bandila ng Piston.

Ayon kay Sinas, mahigpit ang security protocol na paiiralin ng NCRPO, lalo na sa kahabaan ng Commonwealth patungong Batasan Pambansa, kung saan inaasahang dadaan ang convoy ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa mahigit 7,000 police at emergency personnel ang ipakakalat ng NCRPO sa Batasan at Commonwealth area, para magbigay seguridad sa SONA ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.