Mga kritiko na nagpapakalat ng fake news sa kalusugan ni PRRD, makonsensya kayo -Sen. Go

Pinayuhan ni Senador Bong Go, ang lahat ng mga kritiko na nagpapakalat ng fake news tungkol sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makonsensya dahil nagtatrabaho ito sa kabila ng banta sa kanyang kalusugan bunsod ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa panayam sa senador, sinabi nito na kahit madaling araw ay hindi ito tumitigil sa kanyang pagtatrabaho at patuloy itong naka-monitor sa mga nagaganap sa buong bansa bunsod ng pandemya.

Ayon kay Go, dapat magdahan-dahan lang ang mga kritiko sa kanilang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ng Pangulo at baka mauna pa ang mga ito.

Paliwanag naman ng senador na masusi namang sinusubaybayan ng mga doktor ang kalusugan ni Pangulong Duterte at sa ngayon wala pa naman umanong nakikitang kakaiba.

Dagdag ng opisyal na noong nakaraang Miyerkules ay agad na isinailalim ang Pangulo sa swab test matapos umano ang isang meeting kung saan may isang opisyal ang nagpositibo sa COVID-19.

Lumabas naman na negatibo naman sa naturang virus ang Pangulo.

Binigyang-diin ng senador na pwede namang punahin ang Pangulo kung ito ay tungkol sa kanyang trabaho pero kung ito’y isang paninira lang at walang basehan, ibang usapan na umano ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.