Mga listahan ng makakatanggap ng cash assistance sa Bayanihan Act, sisertipikahan pa ng DSWD – Sen. Bong Go

Dadaan pa sa sertipikasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang listahan ng mga pamilyang makakatanggap ng emergency subsidy, sa ilalim ng kakapasa lang na Bayanihan to Heal as One Act.

Ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go, una ay dapat munang i-profile ang target families gamit ang social amelioration card, saka isasama sa listahan na sisertipikahan naman ng mga lokal na pamahalaan.

Matapos nito, ay ipapasa ng mga local government unit (LGU) ang kanilang listahan sa DSWD at rerebyuhin ito.

Ang DSWD rin aniya, ang tutukoy kung magkano ang dapat matanggap ng mga pamilyang ito.

Sa ilalim kasi ng naturang batas, makakatanggap ng cash asisstance na mula ₱5,000 hanggang ₱8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan, ang nasa 18 million na pamilyang kinokonsiderang low-income earners sa buong bansa.Sinabi pa ni Go, na ang halaga ng perang matatanggap ng bawat matutukoy na pamilya ay depende sa minimum daily wage sa kanilang lugar.

Dapat aniya, ay cash ang ibigay sa mga pamilya upang mabilis itong makarating sa kanila.Sa ngayon, ayon sa senador, ay binabalangkas na ang implementing rules and regulations (IRR) ng naturang batas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.