Mga lumayas na POGO i-blacklist, pangalanan para mabibigyan ng babala ang ibang bansa sa kanilang ugali – Sen. Villanueva

Kailangan habulin at pagbayarin pa rin ng buwis ang dalawang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na umalis na sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Senador Joel Villanueva matapos kumpirmahin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na dalawang POGO na ang umalis sa Pilipinas dahil sa isyu ng unpaid taxes.

Kung hindi aniya magbabayad ang mga ito ay dapat i-blacklist na at pangalanan nang sa gayon ay mabibigyan ng babala ang ibang bansa sa kanilang ugali.

“The exiting POGO companies should still pay the taxes they owe us. Otherwise, we should blacklist them and name them publicly so that other countries will be warned about the behavior of these companies,” ani Villanueva.

Ayon pa sa chairman ng Senate committee on labor, hindi naman kawalan sa ekonomiya ng Pilipinas ang mga POGO kaya’t hindi ito na ito dapat panghinayangan pa.

“They will not be a loss to the Philippine economy. We should attract companies that invest in Filipino people. Good riddance,” sabi pa niya.

Giniit naman ni Senador Francis Pangilinan na marami nang nilabag sa bansa ang mga POGO kaya natural lang palayasin na ang mga ito.

“Sabi ng DOF at NEDA na maliit lang ang magiging impact sa ekonomiya ng paglisan ng POGO. Liban dito, sangkatutak na mga batas ang binabalewala ng mga ito mula sa tax laws, immigration kaws, anti trafficking, anti-kidnapping, money laundering, anti-gambling, anti-graft,” ani Pangilinan.

“Panunuhol, prostitusyon, tax evasion pati ang paglabag sa local government code. Mas mainam na umalis na sila,” dagdag pa niya.

Mas mainam din aniyang hikayatin ng gobyerno ang mga investor na umalis sa China na mamumuhan dito sa bansa kapalit ng pasaway na mga POGO.

“Yung mga investor na umaalis sa China ang dapat ipalit sa POGO at tiyak ‘di hamak na mas malaki ang investment at trabaho ang dala ng mga ito,” wika pa niya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.