Mga magpoprotesta sa SONA ni Pangulong Duterte, kailangang kumuha ng permit to rally

Magpapatawag na ng dialogue ang Quezon City Police District sa mga grupong magsasagawa ng kilos protesta sa araw ng ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director Maj. Gen. Ronnie Montejo, may mga ipatutupad ang pulisya na mga polisya sa mga magpoprotesta lalo pa at nasa ilalim ng community quarantine ang Metro Manila.

Kinakailangan aniyang kumuha ng permit to rally ang sinumang grupo bago sila payagang mag-rally sa lungsod.

At dahil mataas pa rin ang banta ng COVID-19, papayagan ng QCPD ang mga raliyista sa loob lamang ng bisinidad ng University of the Philippines para sa kanilang programa.

Bubuksan kasi ng QCPD sa mga motorista ang magkabilang lane ng Commonwealth Avenue para hindi maabala ang publiko.

Samantala, hihintayin pa ng QCPD ang direktiba mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kung ano ang magiging alert status ng mga pulis.

Pero sabi ni Montejo, may kabuuang 9,000 pulis ang ikakalat nila sa bisinidad ng Batasang Pambansa at mga lugar na pagdadausan ng mga kilos-protesta para magbigay ng seguridad.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.