Mga magpoprotesta sa SONA pinayagan sa UP Diliman

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado na papayagan nila ang mga nais magdaos ng protesta sa mismong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero dapat sa iisang lugar sa University of the Philippines campus sa Diliman, Quezon City lang magtipon ang mga ito, na hindi kalayuan sa pagdarausan ng SONA sa Batasang Pambansa.

Ito’y sa kabila ng paghikayat nila sa publiko na gawin na lang online ang traditional mass protest tuwing SONA.

Sa gitna ito ng anunsyo ng Quezon City local government at IATF na hindi papayagan ang protesta sa Commonwealth Avenue dahil sa mass gathering ban.

“[Ang mga] hindi mapipigil ay doon na po magtungo sa UP campus, basta doon panatilihin ang pagtugon sa minimum health standards gaya ng pagsuot ng face mask at social distancing,” pahayag ni PNP spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.