Mga mahilig manira, mang-tsismis sa kapwa, mas masahol pa sa demonyo at COVID-19 -Pope

Mas masahol pa sa demonyo at sa COVID-19 ang mga taong nagpapakalat ng tsismis at mga salitang masasama sa kanyang kapwa, ayon sa Santo Papa nitong Linggo.

Ayon kay Pope Francis na kapag ang isang tao ay nakakita ng pagkakamali ng iba “the first thing we usually do is go and tell someone else about it. Gossip like this closes off the community.”

Ang komento ay bahagi ng binasang mabuting balita ng Santo Papa ukol sa pagiging bukas ni Hesus sa mga nagkasala pabalik sa kanilang komunidad.

“The great gossip is Satan who always says bad things about people,” giit ng Santo Papa.

Ayon pa sa kanya na si satan “is a liar who seeks to divide the Church, to drive our brothers apart, so that they are no longer a community.”

“Let us make an effort not to be gossips. Speaking ill of people is a plague worse than Covid,” paalala ni Pope Francis.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.