Mga mahuhuling lalabag sa SRP sa bigas, ipapakulong at pagmumultahin ng DA at DTI

Mga mahuhuling lalabag sa SRP sa bigas, ipapakulong at pagmumultahin ng DA at DTI

Simula sa Nobyembre 9, magpapataw na ng parusa ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa sinumang rice retailers na lalabag sa Suggested Retail Price (SRP) sa bigas sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol, na makukulong ng apat na taon at multa na isang milyong piso at maaring matanggalan pa ng lisensya sa pagbebenta ng NFA rice ang sinumang lalabag sa panuntunan sa SRP sa bigas.

Sinabi naman ni DTI Secretary Ramon Lopez, bibigyan muna ng notice ang mga lalabag dito.

Kapag nakatanggap na ng dalawang ‘Notice of Violation’ ang mga rice retailers ay dito na sila papatawan ng parusa.

Regular na magsasagawa ng monitoring ang DTI at DA para tiyak na mahigpit silang susunod sa SRP sa bigas.

Unang ipinatupad ang SRP sa bigas sa Commonwealth Market sa Quezon City kasabay ng lahat ng pamilihan sa Metro Manila.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.