Mga mambabatas, di kumpiyansa sa pagkakatalga kay EVP Arnel De Jesus bilang OIC ng PhilHealth

Kinuwestyon ng mga mambabatas ang pagkakatalaga kay EVP Arnel De Jesus bilang officer in charge ng PhilHealth, matapos magbitiw bilang President and CEO ng ahensya na si Retired General Ricardo Morales.

Sa pagpaptuloy ng pagdinig ng Kamara sa mga anomalya sa PhilHealth, ipinunto ni House Committee on Public Accounts Chair Mike Defensor, na kagagaling lamang sa operasyon sa puso ni De Jesus kaya “technically” ay walang liderato ngayon ang PhilHealth.

Bukod dito, posible ring hindi nito kayanin ang demands sa pagdinig patungkol sa mga katiwalian sa ahensya, dahil sa lagay ng kanyang kalusugan.

Bagamat nagsisilbi namang head ng executive board si Health Secretary Francisco Duque, ay tanging sa polisiya lamang ang kanyang sakop.

Ngunit pagdating sa administrative, ay wala umano sa ngayong nagbibigay kumpas sa PhilHealth kaya nakakatakot aniya na walang leadership ang ahensya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Bunsod nito, umaapela si Defensor kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan muna ang Department of Finance (DOF) o ang kahit anong ahensya ng gobyerno na i-take over muna ang pamunuan ng PhilHealth.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.