Mga Mambabatas tinutulan ang pagbibitiw sa pwesto ni Cayetano bilang House Speaker

Sa botong 184- 1 -9, ni-reject ng mga kongresita ang pagbibitiw ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ay matapos itong magpahayag ng kaganapan sa pagpupulong sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco , Senador Bong Go at iba pang kasamahan nilang mga kongresita.

Sa kanyang resignation, agad namang naghain ng mosyon si Anakalusugan Rep. Mike Defensor na tutulan ang pagbaba ni Cayetano bilang speaker of the house.

Sinigundahan naman agad ito ni Bulacan Rep. Jose Alvarado.

Bunsod nito, nagsagawa naman ng viva voice voting kung saan nanaig ang boto na e-reject ang pagbibitiw ni Cayetano.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi manghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Roque, nirerespeto ni Pangulong Duterte ang boto ng mga kongresista o ang kagustuhan ng mga mambabatas sa Kamara kung sino ang gusto nilang mamuno sa kanila.

Inamin din ni Roque na nagulat siya sa biglaang pahayag ng pagbibitiw ni Cayetano.

Paliwanag ni Roque base sa napag-usapan ng dalawang kampo sa Malakanyang, walang magagawa si Pangulong Duterte kung walang numero si Velasco.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.