Mga nag-iingay na kritiko ni Pangulong Duterte, nagpapabango dahil sa nalalapit na eleksyon

Malapit na ang eleksyon ani Secretary Salvador Panelo kung kaya’t marami na ang nag-iingay at tumutuligsa sa bawat galaw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang mainit na banat ng Presidential Counsel Sec. Panelo sa naging panayam ng SMNI news sa mga bumabatikos sa naging hakbang ng presidente sa kaso ni US Marine John Scott Permberton.

Aniya, mga naghahap lamang ang mga ito ng maibabato sa ikasisira ng kasulukyang administrasyon.

Aniya, “Unang-una, yung mga maiingay na iyan, malapit na kasi ang eleksyon. Pangalawa, yung mga nandiyan, yung mga mahihilig pumuna, mamintas, mag-criticize – alam mo iyan, naghahanap na ‘yan palagi ng issue na they can pounce on the president and on the government. ‘yan naman ang mga hinahanap ng mga iyan.”

Malinaw naman aniya na nakasaad sa Saligang Batas na may kapangyarihan ang pangulo na magbigay ng pardon sa kahit sinumang convict.

Punto pa ni Panelo na hindi na kailangan pang magpaliwanag ng pangulo sa naging desisyon nito.

Ginawa aniya ito ng punong ehekutibo dahil may nakita itong injustice.

“Ang penalty is 10 years. Yung sa kanila, ayaw nilang isama yung unang-una yung preventive detention niya. Hindi pa siya naka-demanda, nakakulong na iyan. Pangalawa, yung mayroon tayong credit sa good conduct..”

Samantala, nai- transmit na sa Bureau of Corrections ngayong araw ang release order ni Us Marine Joseph Scott Pemberton na pirmado ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.