Mga nagrerenta lang sa isang lugar, dapat mabigyan rin ng tulong — Sen Grace Poe

Nanawagan ngayon si Senator Grace Poe sa Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, na tiyaking masasakop ng ibibigay na cash assistance ang mga kababayan nating hindi permanenteng nakatira sa isang lugar o yung mga nangungupahan lamang.

Sinabi ito ng senator matapos makatanggap ng impormasyon, na hindi binibigyan ng ayuda ngayon ng ilang barangay ang mga hindi rehistradong residente at mga hindi botante sa isang lugar.

Giit ni Poe, dapat isama rin sa listahan ng mga benepisyaryo ang mga stranded transient migrants na ito.

Matatandaang kabilang sa mga ayudang ibibigay ng pamahalaan, ay ang food packs mula sa mga local government unit (LGU), at ang inaasahang ₱5,000 to ₱8,000 cash assistance sa mga pamilyang maituturing na low income earners.

Paalala ng senator, ang kanyang panawagan ay alinsunod na rin sa pronouncement ng Department of the Interior and Local Governement (DILG), na hindi dapat hinihingan ng mga barangay ng voter’s ID ang mga residente bago sila mabigyan ng food packs.

Lahat aniya ay apektado ng ipinapatupad ngayong enhanced community quarantine, kahit pa ang mga transient migrants na hindi na nakaaalis at nakauwi.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.