Mga nakatenggang sasakyan ng gobyerno, muling iginiit na ipagamit para sa libreng-sakay

Muling nakiusap sa pamahalaan ang labor group na Associated Labor Union- Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na ipagamit ang mga nakatenggang sasakyan nito sa mga manggagawa na nagsimula nang pumasok sa kanilang trabaho.

Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, malaking tulong sa mga manggagawa ang libreng sakay gamit ang mga govermment owned vehicle, para sa pag-usad muli ng mga negosyo at pagsigla ng ekonomiya ng bansa.

Batay sa record ng Land Transportation Office (LTO), tinatayang nasa 2,000 na mga government vehicle ang hindi nagagamit ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Hindi pa aniya kasama dito ang mga sasakyan ng mga local government units.

Sabi pa ni Tanjusay, na sa panahon ngayon na may kakulangan sa pampublikong transportasyon dulot ng pandemya asahan pa raw na araw-araw nang makakaranas ng hirap sa pagsakay ang mga manggagawa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.