Mga opisyal ng barangay, hinikayat ni Pangulong Duterte na labanan ang NPA

Mga opisyal ng barangay, hinikayat ni Pangulong Duterte na labanan ang NPA

Nagsasalita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa harap ng mga kalahok ng Barangay Summit sa Good Governance Region XI sa Rizal Memorial Colleges (RMC) Petro Gazz Arena sa Davao City noong Disyembre 18, 2018.

Nananawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng barangay at mga tribal leader, na labanan ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), at makipagtulungan sa pamahalaan para tapusin na ang communist insurgency sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang panawagan sa harap mismo ng mga indigenous peoples (IPs) leaders at mga barangay official, sa ginanap na Barangay Summit on Good Governance, sa Rizal Memorial Colleges Gym, Davao City.

Nagpahayag ng pagkabahala ang Pangulo, dahil sa nagpapatuloy na harassment ng CPP-NPA sa buong bansa bagaman may idineklara itong unilateral ceasefire.

Ayon pa sa Pangulo, patuloy na naglunsad ng pag-atake ang NPA hindi lamang umano sa mga IP group, isinali pa nito kahit ang pamilya ng mga sundalo at mga government militiamen.

Dagdag pa ng Pangulo, pwede naman raw silang magpatayan pero di umano dapat isali ang mga bata at mga misis ng mga sundalo.

Binanggit din ng Pangulo ang pagpatay ng NPA sa misis ng isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa loob ng kanilang pamamahay sa Talaingod, Davao del Norte noong Disyembre 15.

Sinabi ng Pangulong Duterte, malaki umano ang tulong na magagawa ng mga opisyal ng barangay sa anti-insurgency campaign ng gobyerno, at sa pagsisikap na matapos ang communist rebellion sa panahon ng kanyang termino.

Alam umano ng mga opisyal ng barangay kung sino-sino sa kanilang mga nasasakupan o residente ang mga supporter ng NPA na dapat labanan para madepensahan ang kanilang komunidad.

Dagdag pa ng Presidente na fully-equipped ang gobyerno upang labanan ang CPP-NPA, na tinawag na terrorist organization ng United States (US) at ng European Union (EU).

watch the video here:

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.