Mga opisyal ng Bureau of Immigration na sabit sa ‘pastillas scheme’, nakatikim ng sermon kay Pangulong Duterte

Hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang mahigit 40 opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na idinadawit sa pastillas controversy.

Napag-alaman na nakatikim ng pananabon mula sa Pangulo ang mga dawit sa ‘pastillas scheme’ na ang siste ay ibalot ang perang panuhol para sa mga tiwaling taga-BI kapalit ng mabilis na pagpasok sa bansa ng mga Chinese nationals.

Base sa ilang larawan na inilabas ng Palasyo, may nakarolyong papel na kamukha ng pastillas ang upuang inihanda para sa mga kinagalitang taga-Immigration.

Nasa Palasyo din si Department of Justice (DOJ) Secretary Meynardo Guevarra gayundin si Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go.

Base na rin sa testimonya ng mga whistle blowers na humarap sa Senate investigation, nasa bilyong piso umano ang napuntang pera sa bulsa ng mga tiwaling taga-BI na nakinabang sa pastillas modus.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.