Mga paratang ni Trillanes, “Wala ng Bago” puro recycle ng lumang fake news – Sen. Go

“Wala ng Bago”. Ito ang naging paglalarawan ni Sen. Christopher “Bong” Go sa mga akusasyon na ipinupukol ngayon ni dating Senador Antonio Trillanes IV laban sa senador at maging kay Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Trillanes, ₱6.6B halaga ng road projects ang napunta sa negosyong pag aari ng kaniyang ama at kapatid sa Davao City.

Ani Sen. Bong Go,”Panis na isyu itong pinapalabas ni Trillanes. Wala na bang bago? Katunayan, noong Setyembre 2018 pa, hindi pa ako Senador, ay sinagot ko na ito at hinamon ko pa nga si Trillanes na imbestigahan nya at magsampa siya ng kaso.”

Saad pa ng senador na dahil sa malapit na ang eleksyon ay nagrerecycle na lamang ng akusasyon si Trillanes.

Matatandaan na isa si Bong Go sa mga hinihimok na tumakbo sa pagkabise president para sa 2022 elections habang si Trillanes ay naghahangad namang tumakbo sa pinakamataas na posisyon.

“Ngayon na papalapit na naman ang eleksyon, nire-recycle na naman niya ang lumang fake news. Lumang tugtugin, lumang basurang itinatapon sa akin. Kumita na yang style mo, Trillanes. Kumita na ang style mo na magtatapon ka ng maitim na putik para lang ikaw naman ang magmukhang maputi at malinis!”

Sakabila nito ay iginiit ng senador na lehetimo ang nasabing proyekto at wala aniya silang kinalaman dito ni Pang. Rodrigo Duterte.

“Naging mambabatas ka naman Trillanes at may mga abogado ka rin naman, paano naging plunder laban sa akin at kay Pangulong Duterte ang isang lehitimong transaksyon ng gobyerno na wala naman kaming kinalaman?”

“Sinabi ko na sa kanya noon na kung mapapatunayan niya ang paratang niya, magre-resign kaagad ako. Nakalipas na po ang halos tatlong taon at wala namang napatunayan si Trillanes.”

Diin pa ng senador na simula ng naging public servant ito sa Davao City ay hindi nito ginusto na makalapit man lang sa kaniya ang kaniyang pamilya.

Hindi rin aniya ito nakikialam sa negosyo ng mga ito.

“Noong nagtatrabaho pa ako sa city hall, sinabihan ko ang aking pamilya na huwag silang lumapit sa City Hall (ng Davao) dahil kapag lumapit sila, aalis ako sa aking trabaho. Ang ibang tao ay nakakalapit sa akin para humingi ng tulong, basta nasa tama, tutulong po ako. Pero ang pamilya ko, hindi yan nakakahingi ng anong pabor mula sa akin. ”

Dumepensa din naman si Palace Spokesman Harry Roque, na gaya ng sinabi ni Bong Go ay dati ng linyahan ng senador.

Ani Roque,” Ito nanan po kasing si dating Senador Trillanes lumang tugtugin na po iyan. Eh binato na niya iyan kay Presidente, kay Senator Bong Go, hindi pa senador si Senator Bong Go, wala naman siyang napatunayan noong siya ay nakaupo pa sa Senado. At bakit pa siya maghihintay ng pagkatapos ng termino, isampa na po niya ngayon..”

Sa huli ito naman ang tanong ngayon Go sa dating nakakulong na senador.

“Ngayon, ako naman ang may tanong kay Trillanes, si Trillanes na Mr. Fake News at walang delicadeza… Pinagbawalan mo ba noon ang iyong nanay at tatay habang sundalo ka noong pumasok sila bilang supplier sa Navy? Nasaan ang delicadeza mo doon?

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.