Mga pekeng online sellers, nais ipaaresto QC Rep. Precious Hipolito Castelo

Nais ni Quezon City Representative Precious Hipolito Castelo na agad arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang mga pekeng online sellers na nagsasamantala sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic.

Kadalasan aniya na ibinebenta ng mga pekeng online-business ang mga COVID-19 related-products tulad ng alcohol, face masks, PPEs at iba pa na kalauna’y scam pala.

Mayroon din aniyang nagbebenta sa online ng mga COVID-19 test kits na hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Aniya sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Law ay may kapanyarihan ang mga awtoridad na arestushin ang mga nagbebenta ng fake at substandard products ngayong may pandemic, gayundin ang mga magho-hoard, magpapataw ng sobrang taas na singil at dadayain ang mga itinitindang produkto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.