Mga Pinoy sa Russia, walang naitalang kaso ng physical abuse sa mga OFWs sa nakalipas na apat na taon

Walang kaso ng physical abuse na naitala ang Embahada ng Pilipinas sa Russia sa hanay ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Sinabi ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, na sa nakaraang apat na taon niya bilang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), walang kaso ng pang-aabusong pisikal ang nakarating o naisumbong sa kanyang tanggapan.

Sa kabuuan, maayos naman, ani Sorreta, ang pagtrato sa mga OFW dito, partikular na sa hanay ng mga nasa household work, hindi tulad sa ibang bansa na may kaso ng pagmamaltrato.

Sinabi ni Sorreta, na kung may nakakarating man aniyang mga reklamo ng pananakit sa isang Pinoy, nakakalungkot na madiskubre na ang may kagagawan pala ng pananakit sa isang Pilipino ay kapwa Pilipino din, bunga ng away sa hanay na din ng ating mga kababayan sa Russia.

Ganunpaman, inamin ni Sorreta na may naitalang isang kaso ng sekswal na pang-aabuso ng isang employer, na hindi na nito idinetalye pa.

Sa ngayon, nasa 10,000 na mga Pinoy ang nasa Russia, at karamihan ay nasa field ng household work.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.