Mga pulis na sangkot sa Jolo incident, nais makaharap ni Pangulong Duterte

Ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nangyaring misencounter sa Jolo, Sulu sa pagitan ng pulis kung saan apat na sundalo ang nasawi.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na inatasan ni Pangulong Duterte ang National Bureau of Investigation na bilisan ang isinasagawa nitong imbestigasyon.

Ipinagbigay-alam na rin ng Chief Executive kay Interior Secretary Eduardo Año, na may hurisdiksyon sa Philippine National Police (PNP) na nais nyang makausap ng personal ang siyam na pulis na diumano’y nagpaputok sa apat na Army personnel kasama ang isang police major.

Bukod dito, gusto rin ni Pangulong Duterte na bisitahin ang kanyang mga kawal sa Sulu na ngayon ay mababa ang morale.

Samantala, umaasa din aniya ang Punong Ehekutibo na ito na ang huling misencounter sa pagitan ng government forces sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.