Mga raliyista di natinag sa huling SONA ni PRRD #SONA2021

Sa kabila ng banta ng Delta variant sa Metro Manila, hindi natinag ang ilang progresibong grupo na ituloy ang planong kilos-protesta sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes.

Nagsagawa ng kilos-protesta sa University of the Philippines – Diliman sa Quezon City ang mga raliyista ilang oras bago magsimula ang SONA ng Pangulo.

Ang mga miyembro ng mga progresibong grupo tulad ng Bayan, Karapatan at Anakbayan ay nagsama-sama sa UPD kaninang umaga upang paghandaan ang huling SONA ni Duterte.

Isang martsa ang una nilang isinagawa kaninang 9:30 ng umaga patungong Commonwealth Avenue mula sa nasabing unibersidad.

Samantala, ipapahayag naman ni Pangulong Duterte ang kanyang huling talumpati sa SONA sa isang pulong kasama ang Kongreso mamayang hapon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.