Mga residente ng Makati, hinikayat na magparehistro para sa Sinovac vaccine

Mga residente ng Makati, hinikayat na magparehistro para sa Sinovac vaccine.

Hinimok ng lokal na pamahalaan ng Makati ang mga residente nito na magparehistro para makatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa Chinese firm na Sinovac Biotech.

Ayon sa city government, maaaring mag-register online via SinoVac.SafeMakati.com kung saan kailangang i-fill up ang ilang mahahalagang detalye.

Ipinaalala rin ng LGU na ang mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19 ay dapat magpakonsulta sa health center at mag-self quarantine sa loob ng 14 na araw bago mag-apply muli sa registration.

Susundin anila ang priority sectors na itinalaga ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) sa pagbabakuna.

Mababatid na dumating na kahapon ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines na donasyon mula sa China.

Sa datos ng Makati City government, 425 ang active cases ng COVID-19 sa lungsod ngunit mahigit 10,000 na ang naitalang gumaling.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.