Mga residente sa Cebu, sumusunod na sa quarantine protocols —PLt. Gen. Eleazar

Sumusunod na ang karamihan ng mga residente sa Cebu sa mga quarantine protocols.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police  (PNP) Deputy Chief For Operations at Joint Task Force COVID Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar matapos na magpadala ng 150 SAF troopers sa Cebu para tumulong sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Magugunitang ibinalik sa ECQ ang Cebu dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 dulot ng hindi pagsunod ng mga residente sa mga Health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at pag-obserba sa Physical distancing.

Special Action Force Troopers in Cebu City

Ayon kay Eleazar, mula nang dumating ang SAF troopers doon, napansin nila na karamihan sa mga residente ay nananatili na lang sa bahay at iniiwasan ang mga hindi mahahalagang lakad.

Paliwanag ni Eleazar, kagaya ng nangyari sa Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, muling napatunayan na ang pagpapadala ng SAF ay nakatutulong para mabawasan ang quarantine violators.

Umaasa naman si Eleazar na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng mga quarantine violators sa Cebu sa istriktong pagpapatupad ng ECQ ng SAF at local Police.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.