Mga rights lawyer tutol sa ‘anti-terror bill’ at tinawag itong “unconstitutional”

Hindi sang-ayon ang mga abogado ng karapatang pantao sa panukalang “anti-terror bill” at tinawag itong “unconstitutional”.

Ayon sa Concerned Lawyers for Civil Liberties, na pinangungunahan ni dating senatorial bet Chel Diokno, naglalaman ang panukala ng mga probisyon na magpapahina sa proteksyon laban sa pag-abuso at maling paggamit.

“Tutulan natin ang Anti-Terrorism Bill dahil ang kailangan natin ay mas demokratiko at makataong mga batas. Sana patuloy niyo kaming samahan manindigan laban sa terorismo ng estado—lalo na yung klase na noon pa natin nakikita sa admin na ito,” pahayag ni Diokno.

Tinutukoy ng mga abogado ang Section 4 ng proposed bill kung saan kinokonsiderang terorismo ang “acts intended to cause extensive interference with, damage or destruction to critical infrastructure” kabilang na ang telecommunications, transportasyon, radyo at telebisyon.

Isa raw itong “unconstitutional” at magpaparusa sa hakbang na hindi naman terorismo.

Binatikos din ng National Union of Peoples’ Lawyers ang panukala na makakasira umano sa human rights at mag-institutionalize sa impunity o pagkaligtas sa parusa.

Noong Lunes nang sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-terrorism bill na layon umanong palakasin ang mga polisiya ng bansa laban sa terorismo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.