Mga senador: Dapat munang malinis ang korapsyon sa PhilHealth bago sila bigyan ng dagdag na pondo

Nag-aalangan ang mga senador na bigyan ng panibagong dagdag na pondo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng kontrobersya ng korapsyon sa ahensya.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, noong deliberasyon para sa 2020 National Budget ay sinuportahan niya ang pag-realign ng P7-billion pesos ang para sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) law at sa pag-upgrade ng IT system ng ahensya.

Pero ikinadismaya ni Lacson ang nalantad na mga iligal na aktibidad at pagwawaldas ng pera sa ahensya.

Dahil dito, nagdadalawang-isip na aniya ang senador na suportahan ang pagbibigay ng dagdag na budget para sa PhilHealth sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na dapat munang linisin ng PhilHealth ang kanilang buong ahensya bago sila bigyan ng pamahalaan ng dagdag na subsidiya.

Hindi aniya naniniwala si Sotto na ang kinakaharap nating COVID-19 pandemic ang dahilan ng pagkaubos ng pondo ng ahensya gaya ng sinabi ng isa sa mga opisyal nito sa naging pagdinig ng Senado.

Sa halip, naniniwala ang Senate president na ang korapsyon ang dahilan kung bakit nasisimot ang pondo ng PhilHealth.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.