Mga senador, isinusulong ang modernisasyon ng mga kagamitan ng Air Force

Ilang senador ang nagsusulong na i-upgrade na ang mga kagamitan, partikular ang mga sasakyang panghimpapawid, ng Philippine Air Force.

Ginawa ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang naturang pahayag matapos ang madalas na pagbagsak ng ilang military aircraft na nagdulot ng pagkasawi ng ilang mga sundalo.

Pinakabagong insidente ang pagbagsak ng helicopter ng Air Force nitong Jauary 16 sa Bukinon na ikinasawi ng pitong pasahero at crew nito.

Ayon kay Zubiri, nasa 40-50 years na ang tanda ng bumagsak na Huey helicopter at hindi na akma para gamitin ng ating militar.

Giit ng senador, dapat nang matigil ang senseless o walang katuturang pagkamatay na ito dahil maaari namang maiwasan ang ganitong mga insidente kung seseryosohin ang modernisasyon ng ating militar.

Sinuportahan naman ito ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at sinabing ang pagpopondo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program ay makapagpapalakas sa depensa ng ating bansa mula sa anumang mga banta at makatapagtitiyak rin ng kaligtasan ng ating mga sundalo.

Sinabi ni Dela Rosa na mayroong kagyat na pangangailangan na bumili ng dagdag na modernong kagamitan at mas madalas na “maintenance check” sa mga aircraft.

Sa huli, sinabi ni Zubiri na handang makinig ang Senado sa kailangang budget ng militar para sa 2022 at sa mga susunod pang taon para ma-sustain ang modernisasyong kailangan nila.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.