Mga senador nagsagawa ng kani-kanilang relief operations

Nagsagawa ng kaniya-kaniyang relief operations ang mga senador kagaya ni Sen. Christopher Bong Go at iba pang mga senador.

Ilan sa mga lugar na napili nilang mabigyan ng ayuda ay ang mga lugar na sobrang pinadapa ng bagyong Ulysses at ng mga nagdaang bagyo.

Nasa 438 na pamilya ang inabutan ni Sen. Go sa Munisipalidad ng Guinobatan at sa Tabaco Albay.

Ilan sa mga ipinamahagi ni Go sa 166 na pamilya sa Barangay San Francisco at  Barangay Travesia sa Guinobatan ay mga free meals, food packs, masks, face shields and vitamins.

Ito rin ang mga ipinamahagi ng senador sa 272 pamilya sa Tabaco Albay.

Namigay din ang senador ng free meals, food packs, vitamin, mask at face shield sa 30 na mga mahihirap at vulberable residents sa Barangay San Juan sa Cainta, Rizal.

Samantala ang opisina ni Sen. Sonny Angara ay nag-distribute din ng relief goods sa Camalig, Albay.

Personal ding naghatid ng relief assistance si Sen. Sherwin Gatchalian sa Bicol Region partikular na sa Catanduanes, Albay at Camarines Sur.

Si Sen. Risa Hontiveros ay nagpadala din ng ayuda sa Marikina, Batangas at Quezon City.

Sa bayan naman ng Brgy. Marilao at Sta Maria Bulacan nagikot si Sen. Joel Villanueva para mamimigay ng ayuda.

Kabilang naman sa mga donasyon ni Sen. Imee Marcos  ay sako-sakong bigas, 10 kahon ng corned beef, 3,700 paracetamol at 1,080 nutribuns na ibinahagi sa San Mateo, Rizal.

Isinagawa naman ng Philippine Red Cross na pinamamahalaan ni Sen. Richard Gordon ang house-to-house distribution ng hot meals, sa Balzain East Centro 11, Tuguegarao City.

Matatandaan na kabilang sa matinding tinamaan ng pagbaha bunsod ng Typhoon Ullysses ay ang lungsod ng Marikina , Pasig, ang lalawigan ng Rizal  ang Bulacan at ang Cagayan Valley.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.