Mga Senador, nirerespeto ang Absolute Pardon na iginawad ng Pangulong Duterte kay Pemberton

Nirerespeto at wala ng kuwestyon ang ilang senador sa absolute pardon na iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte para kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay kay Senate President Vicente Sotto III, ang pagbibigay ng pardon ay bahagi ng kapangyarihan ng pangulo ng bansa .

Hindi aniya ito maaaring kwestiyunin ng sinumang indibidwal, institusyon o anumang sangay ng pamahalaan.

Dagdag pa nito, ang sinumang kokontra sa desisyon ng pangulo ay kailangan munang baguhin ang konstitusyon ng Pilipinas.

Ganito rin naman ang pahayag ni Senador Christopher ‘Bong’ Go kasabay ang pagsasabing nirerespeto at suportado niya ang desisyon ng pangulo.

Aniya, ang naturang desisyon ay base sa sariling judgment ni Pangulong Duterte na hindi maaaring kwestiyunin ng sinuman.

Samantalang binigyang diin naman ni Senador Panfilo Lacson na dahil ang pangulo na ang gumawad ng pardon ay tapos na ang usapin debate o diskusyon tungkol sa legalidad ng paggawad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) kay Pemberton.

Paliwanag ni Lacson, hindi naman maaring kwestyunin ang kapangyarihang ibinigay ng konstitusyon sa pangulo ay kasayangan na lang sa oras kung patuloy na pagtatalunan ang pagpapalaya kay Pemberton.

Sinabi naman ni Lacson na dahil sa ginawang hakbang ng Pangulo ay maibabalik na kay Pemberton ang karapatang sibil nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.