Mga tipster na magsusuplong ng korap na taga-gobyerno sa Text 8888, hinikayat ng Palasyo na ibigay ang pagkakakilanlan para sa reward money

Hinikayat ng Malacañang ang mga magsusumbong sa Text 8888 na ilagay ang kanilang pagkakakilanlan kung nais na makakuha ng reward o pabuya kapalit ng ipinarating nitong anomalya kontra sa isang korap na kawani o opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili namang confidential ang identity ng mga tipster.

Mahalaga ani Roque na may reference ang pamunuan ng TXT 8888 nang upang sa gayon ay madali itong makontak o ma- trace sakalit magpositibo ang reklamo nito laban sa isang kurakot.

Sa mga nais magsuplong ng mga korap na kawani at opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng text, i-text lang ang C/pangalan (kung gustong magpakilala) / …concerned government agency… / i- type ang kumpletong detalye ng complaint, at i-send sa 8888.

Sa public address ng Pangulong Duterte nitong Lunes, sinabi nitong ₱20,000 cash incentive ang ibibigay ng gobyerno sa “tipsters” na makapagbibigay ng pangalan ng taga-gobyerno na sangkot sa korapsyon.

Sampung libong piso naman ang reward na naghihintay sa impormanteng magre-report ng petty graft.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.