Mga tutol sa ROTC program pero nais makipaglaban sa China, binatikos

Pinuna ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga bumabatikos sa pagbabalik ng Reserve Officer Training Corps (ROTC), pero nais namang makipag giyera sa bansang China.

Sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) para sa ad-interim appointment ng ilang opisyal ng militar, sinabi ni Dela Rosa, na ang mga kritikong ito ay tila nagsusulong ng isang giyera pero tutol naman sa military education at training para sa mga estudyante.

Tinanong rin ng senator si Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief of Staff for Education, Training and Doctrines Antonio Palces, kung sa tingin ba nito ay kinakailangan ng ibalik ang ROTC program.

Bilang tugon, sinabi ni Palces, na naniniwala siyang dapat ng ibalik ang ROTC sa mga paaralan dahil nagtataguyod ito ng disiplina sa mga kabataan, at sa pamamagitan rin nito ay magkakaroon ang Sandatahang Lakas ng reserve force sakaling kailanganin.

Isa si Palces sa 50 senior military officers na nakumpirma ngayon ang ad interim appointment ng CA.SEARCH

RP

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.