Mga vendors sa paligid ng Manila Bay “bawal na”

Upang hindi na dumihan irerekomenda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lokal na pamahalaan ng Maynila na ipagbabawal na mga vendor sa paligid ng Manila Bay upang maiwasang dumumi at umihi ang mga ito sa paligid ng baybayin.

Ginawa ni Antiporda ang pahayag matapos mahuli ang isang cigarette vendor na lalaki na umeebak sa Manila Bay nitong nakalipas na Setyembre 12, 2020 na agad naman nitong ipinahuli sa mga pulis.

Sa interbyu kay Antiporda ng isang himpilan ng radyo sinabi nito na imposibleng hindi dudumi at iihi kung saan-saan sa paligid ang mga vendor na nagtitinda sa Manila Bay dahil wala naman comfort room sa paligid nito.

Pinaalalahanan pa ng DENR ang publiko na hindi pa rin maaaring paliguan ang Manila Bay sa kabila ng isinasagawang rehabilitasyon dito ng pamahalaan dahil sa mataas pa rin umano ang coliform levels ng tubig nito.

Tiniyak din ni Antiporda na mandato ng DENR na maprotektahan ang karagatan laban sa mga nagnanais na manira at dumumi sa Manila Bay pagdidiin pa ng naturang opisyal.

Nanindigan din si Antiporda na ipagpapatuloy nila ang isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay dahil ito ang ipinag-uutos ng Korte Suprema.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.