Mga video mula sa body cams maaaring isapubliko kung sasabihin ng korte – PNP

Maaaring isapubliko ang mga video sa body cameras ng mga tauhan ng pulisya kung sasabihin ng korte ayon kay Philippine National Police spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana.

“Ang implication po ng paggamit nito ay nasa usapin po ng data privacy po. Ito po ay ituturing na data na ipa-process,” saad ni Usana sa dzBB.
“Courts have rights to require and make these videos public or submit them for any kind of evidence,” dagdag nito.
Inaasahang magamit na ng mga pulis ang mga body cam sa mga operasyon nito sa Abril.

Nakabili na ng 2,600 body cameras ang PNP.

Ayon kay PNP Directorate for Logistics chief Police Major General Angelito Casimiro 16 body cameras ang ibibigay kada istasyon ng pulis kung saan walo ay para sa operating team.

Saad pa ni Casimiro na ang mga ito ay makatutulong upang madiskubre ang mga umano’y iregularidad sa mga operasyon ng pulisya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.