Miyembro ng Abu Sayyaf, napatay sa enkwentro sa Basilan

Napatay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf matapos makaenkwentro ang mga tropa ng 101st Infantry Brigade at 18th Infantry Battalion sa Barangay Felang, Ungkaya Pukan, Basilan Province bandang alas-4 ng hapon kahapon.

Kinilala ni Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. ang napatay na terorista na si alyas Botak, na tauhan ng una nang napatay na ASG sub leader na si Furuji Indama.

Nakasakay si Botak sa motor na may dalawa pang kasama nang ma-intercept ng mga tropa, at nagkaroon ng limang minutong palitan ng putok na ikinasawi ni Botak.

Kasalukuyang tinutugis ng mga tropa ang dalawa pa nitong kasamahan na nakatakas matapos ang insidente.

Iniulat naman ni Joint Task Force Basilan Commander Col. Domingo Gobway na narekober sa encounter site ang isang motor at M60 Machine Gun.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.