Miyembro ng Dawlah Islamiya, sumuko sa Marawi

Sumuko ang isang 19 na taong gulang na miyembro ng Dawlah Islamiyah sa Marawi City, Lanao del Sur, kahapon.

Kinilala ni Lieutenant Colonel Romulus Rabara, commander ng 5th Infantry Battalion ng Philippine Army ang sumuko na si Faharuden Hadji Sapilin alyas Abu Abbas.

Kasabay nitong isinuko ang isang homemade AR-15 rifle, caliber 9 mm, magazine at ammunition.

Si Sapilin ay sangkot sa engkwentro sa tropa ng gobyerno sa Pagayawan, Marogong at Tubaran pero nag-tago nang magpatay ang notoryus na lider na si Abu Dar.

Tiniyak naman ng militar na hindi nila hahayaan na sirain ng teroristang grupo ang kinabukasan ng mga kabataan sa Lanao del Sur na target ng kanilang recruitment.

Photo by 5th Infantry Batallion

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.