MOCHA USON NAGBITIW NA SA PWESTO BILANG PCOO ASSISTANT SECRETARY

Panoorin ang pahayag ni dating Asec PCOO Mocha Uson:

Inanunsyo na ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang kanyang pagbibitiw sa pwesto, kasabay ng 2019 budget hearing ng Presidential Communication Operations Office (PCCO) sa Senado ngayong umaga.

Ayon kay Uson, idinaan niya umano ang kanyang resignation letter para kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

Wala siyang ibinigay na detalye sa kanyang pagre-resign pero nangako siya na magbabalik upang harapin ang mga bumabatikos sa kanya.

Nagpasaring rin ito na baka kumandidato siya na kongresista o kaya ay senador, depende umano sa magiging pasya ng Pangulong Duterte at kanyang mga follower.

bong-go MOCHA

Kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Kahapon ayon kay Secretary Go natanggap ni Pangulong Duterte ang liham ng pagbibitiw ni Asec Uson.

Sinabi ni SAP Go na kanilang iginagalang ang naging desisyon ni Asec. Mocha habang nagpaabot din ang Palasyo ng pasasalamat sa naging serbisyo nito.

Sa panig naman ni PCOO Secretary Martin Andanar, inihayag nitong nag-uusap na sila sa kung sino ang posibleng maipalit kay Uson.  Pero sa ngayon, sinabi ni Andanar na wala pa silang napipisil na posibleng humalili sa binakanteng pwesto ni Asec. Uson.

Source: Facebook

 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.