Most wanted na miyembro ng Abu Sayyaf, arestado ng PNP at AFP

watch the video here:

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang most wanted na Abu Sayyaf member, na sangkot sa pangingidnap ng 15 manggagawa ng Golden Harvest Plantation sa Basilan noong 2001.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang suspek na si Abdurahman Mataud Daiyung, na tinatawag ding si Biznar Salabudin at Abu Talha.

Si Dayung ay inaresto ng mga operatiba ng Regional Special Operations group ng NCRPO at Naval Intelligence ng AFP sa 1205, M. H. Del Pilar St., corner Padre Faura, Ermita, Manila, nitong linggo ng umaga.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Leo Jay Principe, Presiding Judge, RTC of Basilan, Ninth Judicial Region, Branch 1, Isabela, Basilan, na may petsang January 28, 2008.

Bukod sa kanyang partisipasyon sa Basilan kidnapping, si Daiyung ay sangkot din umano sa Kidapawan Bus Terminal bombing noong October 10, 2002 na nagresulta sa pagkamatay ng pitong katao at pagkasugat ng 24 na iba pa.

Pinapurihan ni Eleazar ang epektibong koordinasyon ng PNP at AFP sa matagumpay na pag-nutralisa sa ‘most wanted’ na terorista.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.