Mosyon ng SolGen para sa gag order vs ABS-CBN, tama lang – Malacañang

Tama lamang ang mosyon ni Solicitor General Jose Calida na humihiling sa Korte Suprema upang mag-isyu ng gag order sa ABS CBN Corp. kaugnay sa quo warranto petition laban sa franchise ng TV network.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Panelo, naaayon lamang ito dahil mayroon ng naka-pending na kaso sa korte, kaya’t dapat lamang na iwasan na ng magkabilang partido ang pagko-komento o pagsasapubliko ng merito ng reklamo.

Sinabi ng kalihim, na tila nagiging emosyonal na rin ang usapin sa franchise ng tv network, gayun wala naman itong kinalaman sa press freedom:

“Ah, tama naman siya doon kasi parang nagiging emotional ang isyu on this particular topic. It’s much to do about nothing; it’s not about press freedom. The President has nothing to do with the petition, again we will repeat. Solicitor General Calida is just doing his job and Congress has the exclusive authority to grant or renew licenses.”

Binigyang diin ni Secretary Panelo na ginagawa lamang ni Calida ang kanyang trabaho.

Nilinaw naman ng kalihim na hindi cover ng gag order ang mga miyembro ng Kongreso at gabinete. Hindi raw kasi maaaring pigilan ang mga ito sa pagtatanong o pagpapahayag kaugnay usaping ito lalo’t trabaho nila ito:

“Members of Congress, if they are doing their duty, I don’t think they can be stopped from asking question relative to the matter. Perhaps the resource persons can be covered, but not members of Congress.”

Matatandaan na nag-ugat ang very urgent motion ni Calida bunsod ng isang video na inilabas ng ABS-CBN noong February 14, na mayroong pamagat na “Quo Warranto petition laban sa ABS CBN, ano ang ibig sabihin?” Maaari kasi aniya itong maka impluwensya sa public opinion maging sa Korte Suprema.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.