Mosyong inihain ni SolGen Calida sa SC vs Assoc. Justice Leonen, walang nakikitang masama -Malacañang

Ginagawa lang ni Atty. Jose Calida ang kanyang trabaho bilang Solicitor General.

Ito ang pahayag ng Palasyo sa gitna ng ginawang paghahain ni Calida ng Motion for Inhibition kontra kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen kaugnay ng nakabinbin pa ring vice presidential electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isang statutory counsel para sa gobyerno si Solgen Calida.

At bilang counsel ng pamahalaan, inihayag ni Roque na hindi naman maiiwasang magkaroon ito ng interes na silipin at malaman din kung sino talaga ang nagwagi sa vice presidential election noong 2016.

Ang interes aniya ng Solicitor General ay kagaya din naman ng interes ng bayan na nais ding malaman ang merito at katotohanan sa kinukuwestiyong pagkapanalo ng ikalawang Pangulo.

Wala aniyang masama sa mosyon ng SolGen bilang counsel for the people gayung nakatuon sa interes ng taongbayan ani Roque ang ikinasang legal na hakbang ni Calida.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.