Motorcycle barrier, di na kailangan sa magka-angkas na naninirahan sa iisang bahay

Tinanggal na ng National Task Force for COVID-19 ang panuntunan na paglalagay ng barrier o harang sa pag-angkas ng motorsiklo sa mga naninirahan sa iisang bahay.

Ito ay para sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) simula ngayong araw, Agosto 19.

Nilinaw naman ng NTF na hindi kasama ang mga hindi nakatira sa iisang bahay.

Ang mga motorsikloNG bibiyahe ay dapat sumunod sa inaprubahang bagpack shield na dinisinyo ng ride hailing app na Angkas.

Dapat din na ang naka-angkas sa motorsiklo ay otorisado o Authorized Person Outside of Residence (APOR).

Strikto namang ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask at full face helmets ang mga magka-angkas habang bumabiyahe.

Samantala, binibigyan naman ng National Task Force ng otorisasyon ang mga awtoridad kung magpatutupad ng kaparehong alituntunin batay sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.