Mungkahi ni VP Robredo na maghanda ng listahan ng unang mabibigyan ng COVID vaccines, matagal nang nagawa ng pamahalaan

Nilinaw ng Palasyo na mayroon ng listahan ang pamahalaan ng pangalan ng mga Pilipinong unang mababakunahan ng COVID vaccine, sa oras na maging available na ito.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng sinabi ni Vice President Leni Robredo, na dapat maghanda na ang pamahalaan ng listahan upang maiwasan ang aberyang naranasan noong namamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Secretary Roque, nagpapasalamat sila sa suhestiyong ito ng bise presidente. Gayunpaman, tulad ng mga nauna ng pagkakataon, nagawa na ng pamahalaan ang mga dapat gawin, bago pa man ito imungkahi ni VP Robredo.

Matagal na aniyang sinasabi ng Pangulo, na ang mga pinakahihirap ang mauuna o iyong mga benepisyaryo ng 4Ps.

Mayroon rin naman aniyang listahan ang pamahalaan ng mga frontliner, na kabilang rin sa mga mauunang mababakunahan, tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). habang ang Department of Health (DOH) naman aniya ay kilala na ang mga medical frontliner.

Binigyang diin ng Palasyo, na si Pangulong Rodrigo Duterte, 10 steps ahead na, bago pa man ang suhestiyong ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.