Mungkahing P1Bilyon na OVP budget oks sa mga kongresista

Iniangat ng hanggang P1 bilyon ang badyet ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo.

Sinuportahan ng mga kongresista ang mungkahi ni Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado na itaas ng P1 bilyon ang badyet ng Office of the Vice President para sa 2021 samantalang agad ding ipinasa ng mga mambabatas ang pnukalang badyet para sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Dumalo mismo sa budget deliberasyon sa plenaryo si VP Robredo at ikinatuwa nito ang mungkahing itaas ang badyet ng kaniyang tanggapan sa susunod na taon mula sa P679 milyon na aprubado ng Department of Budget and Management.

Hindi rin dumaan pa sa pagtatanong ang budget OPAPP na pinamumunuan ni Secretary Carlito Galvez Jr.

Ito ay matapos na agarang imungkahi ang terminasyon ng deliberasyon sa plenaryo.

Ang nasabing ahensya ng gobyerno ang nangangasiwa sa peace talks at pakikipag-negosasyon sa mga isyung may kaugnayan sa internal conflict at rebellion sa bansa partikular na sa CPP-NPA-NDF.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.