MWSS, naglabas ng Show Cause Order para sa Maynilad at Manila Water

Naglabas ng Show Cause Order ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) laban sa Manila Water at Maynilad kaugnay sa dumaraming reklamo laban sa mga ito tungkol sa lumobong bayarin sa tubig sa panahon ng pandemic.

Sa kasalukuyan, mahigit 400 na mga reklamo mula sa mga customers ng Maynilad at Manila Water ang natanggap ng MWSS mula nang magsimula ang billing nitong buwan ng Mayo.

Hanggang Biyernes, July 31 ang ibinigay ng MWSS sa dalawang water companies para ipadala ng pormal ang kanilang sagot o paliwanag sa mga reklamo ng publiko.

Matatandaang hindi nagsagawa ng meter reading ang dalawang kumpanya noong panahong umiiral ang Enhanced Community Quarantine bagkus pinayagan sila ng MWSS na gawin ang computation sa pamamagitan ng average consumption ng mga customer.

Ngunit sinabi ng Regulatory Office, may itinakda daw silang mga guidelines para sa computation ng water bill.

Sinabi naman ng dalawang water companies, tatalima sila sa kautusan ng MWSS at magsusumite sila ng kanilang paliwanag kung papaanong lumobo ang bayarin sa tubig ng kanilang mga customer.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.