Mystica, humihingi ng tulong sa social media at sa Tulfo Brothers dahil sa cyberbullying

Kumalat sa social media ang panibagong panawagan ni Ruby Villanueva o mas kilala bilang Mystica na humihingi ng tulong sa mga Tulfo brothers dahil sa masasakit na salita mula sa kanyang mga kritiko.

MYS2

Umiiyak na naglabas ng saloobin sa Facebook live si Mystica dahil sa mga taong umaalipusta at sinisiraan umano siya.

Ayon kay Mystica, trabaho lamang ang hanap niya kung kaya nagsusumikap siya ngayon na makabalik sa showbiz.

Nais lang umano niya ay oportunidad na makabalik sa kanyang nakagisnang trabaho at hiling niya mabigyan siya ng isa pang pagkakataon.

Nauna ng nanawagan si Mystica kay Coco Martin, kung saan pinagbigyan siya ng “FPJ Ang Probinsyano” ng pagkakataon upang makabalik sa harap ng camera.

At nang matapos ang kanyang role sa nasabing programa, nagpahayag siya ng pagkadismaya at muli ay nanawagan sa ilang mga artista.

Matapos kay Coco, nanawagan naman si Mystica kay Michael V. na tulungan siya magkaroon ng trabaho sa programa nito sa GMA. Ngunit hindi natupad ang panawagan ni Mystica sa actor.

Ayon sa ulat, saad ni Michael V. na nais man siyang magpasok ng artista sa kanyang show ay hanggang suggestion lamang ang kanyang magagawa at nasa network ang final decision.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.